NISMED joined the UP Diliman annual parade of lanterns along the Academic Oval on 18 December 2013 and had won the Most Eco-Friendly/Most Reusable Lantern Award. With the theme “Maalab na Serbisyo Publiko ng Mapagkalingang Kampus,” the lantern parade served as a fund-raining activity for the Typhoon Yolanda (Haiyan) victims aside from welcoming the Christmas season in a joyful heart.
During the parade, NISMED staff dressed in the colors of the Philippine flag to symbolize unity of the Filipino nation amidst a series of calamities. The NISMED lantern was described and presented as “Puno ng Pagkakaisa: Puno ng Pag-asa (Tree of Unity: Tree of Hope).” During the presentation, the symbolic message of the materials used for the lantern was cited. Thus:
“Kaisa ng Unibersidad at ng buong bansa ang UP NISMED sa patuloy na pagbangon ng ating mga kababayan na sinalanta ng bagyong Yolanda at ng iba pang kalamidad na nagdaan. Puno ang ginamit na simbolo sa NISMED lantern. Puno na dating mayabong at matatag, subalit saglit na itinumba ng trahedyang di inaasahang magdulot ng kakaibang dusa sa ating mga kababayan. Ngayon ay muli naming itinatayo at pinayayabong sa pamamagitan ng mga simbolikong materyales na aming ginamit. Puno na muling ititindig at patuloy na yayabong at tatatag kasama ng pangarap ng ating mga nasalantang kababayan.
The NISMED lantern |
Tabo: Simbolo ng sama-samang pagtulong ng mapagkalingang UP Community sa pag-agapay sa anumang paraan, donasyon, pag-a-adopt, at sa muling pagsasaayos ng mga paaralan. Tabo, maliit mang lalagyan, ito'y nagbubuhos din ng malaking kaginhawaan.
Tsinelas: Simbolo ng patuloy na paghakbang mula sa maputik at sira-sirang daan patungo sa pagbalik ng kaayusan at kasaganaan. Uumpisahan ng mga tsinelas na ito ang mumunti ngunit matapang na pagtahak ng ating mga kababayan tungo sa mas maunlad, mapayapa at ligtas na pamayanan.
Payong: Simbolo ng walang kamatayang pagkakaisa ng mga Pilipino na patuloy na aantabay at handang magbigay ng tulong, silong, at kaligtasan. Mga Pilipino na lulukob at laging bukas na mag-alay ng sarili para sa mga kababayang nangangailangan.
Sa kabuuan, 100% ng mga materyales na ginamit sa lantern na ito ay ibibigay sa ating mga kapatid na nasalanta. Ibibigay din ang lahat ng pinansiyal na donasyon na matatanggap bilang pagsuporta sa lantern na ito. Mula sa UP NISMED Family, isang mapagpalang Pasko sa ating lahat!”
NISMED staff walking besides the lantern during the parade. |
The lantern was conceptualized by Ms. Maria Laura G. Ginoy, head of the Art and Desktop Section. She also chaired the design and production teal consisting of Ms. Ma. Lourdes S. Agad (co-chair), Mr. Rizaldo Ramoncito S. Saliva, Mr. Daniel A. Coquilla, Mr. Arnul M. Magdurulun, Mr. Alvin J. Encarnacion, Mr. Doddie C. Bergado, members of the Audio-visual Group, Maintenance/Equipment Development Section, and the Printing Section. Dr. Aida I. Yap, Deputy Director for Administration, convened the Ad-hoc Committee.
0 Comments