NISMED once again participated in the Paligsahan ng mga Parol 2009, one of the most anticipated events in the university, on December 18,2009. The parol entry of NISMED, which was designedand executed by selected NISMED staff, highlighteda model of a living organism that was represented bya big fish. It may be explained thus:
TUBIG-BUHAY / BUHAY na TUBIG
Sa natural na proseso ng water cycle makikita kung paanong nanatiling bago, malinis at patuloy ang supply ng tubig para sa buhay ng mundo. Nakapokus ang parol ng UP NISMED sa isda, na ginagamit ding simbolo ng pagka-Kristiyano, masayang gumagalaw at lumalangoy sa malinis at umaagos na tubig o kaya’y sa umiindak na mga alon sa ating karagatan.
Ang malaking isda at iba pang mga maliliit na parol na kumakatawan sa living organisms ay ginamitan ng mga recyclable “found” objects tulad ng basyong lata, boteng plastic, retasong tela, papel, lumang CD, atbp. Mga kalakal at scrap rubber ang ginamit sa pagpapakita ng paggalaw ng isda at tubig na ikinabit sa karitong detulak – karitong detulak, bilang pag-alaala sa mga kababayan nating naghihirap ngunit matiyaga at marangal na nabubuhay para sa kinabukasan.
Tubig-buhay/buhay na tubig ang ipinararating sa dahilang kung wala ito, wala ring Kapaskuhan, Kapaligiran at Kinabukasan. Mahigpit nating tutulan ang pagkasira ng tubig at kapaligiran – magtulong-tulong tayong mapangalagaan ang kapaligiran para sa kinabukasan sa dahilang sa pagkamatay ng mga isda at iba pang mga living organisms, tayo’y mawawala rin sa mundo.
Kasama ang ibang living organisms sa tubig, mangroves, at maging ang mga nasa lupa – na ipinapakita ng kulay berde naming kasuutan – isang makaKalikasan at mapayapang Kinabukasan ngayong Kapaskuhan ang bati sa inyong lahat!

0 Comments