The UPIS-UPCEd-NISMED Lantern |
With the theme, “Bagong Tahak, Bagong Galak,” the traditional Lantern Parade is back in UP Diliman after two years of lockdown due to the pandemic. UP NISMED, together with the UPCEd and UPIS, assembled along the University Avenue behind the Tri-Unit lantern in the afternoon of 21 December 2022 to join other participants in the joyous event.
The Tri-Unit lantern is a huge laptop where students are emerging from the screen with a torch in hand. Titled “Pagsulong ng Sulo” or advancing the torch, it symbolizes the desire to gain knowledge despite challenges and provide enlightenment on the way to freedom. The write-up about the lantern says it all:
Pagsulong ng Sulo!
Walang screen na makahahadlang
Sa alab ng pagnanais ng bagong kaalaman
Ang sulo na nagmumulat ng kamalayan
Hawak ng iskolar na nagsusulong ng tunay na kalayaan
Sa keyboard itinitipa ang mga panawagan naming
Ligtas na balik-eskuwela, tigilan ang red-tagging
Sa mga polisiya, kapakanan ng mag-aaral ang dapat unahin
Kami ang Iskolar ng Bayan, inyong dinggin!
Sa malaong panahon na tayo’y nakulong sa ating mga tahanan, walang humpay pa rin ang pagpapanday ng isipan at kasanayan ng ating kabataan. Magkakahiwalay man at lubhang mahirap ang mga pinagdaanan ngunit hindi tayo nagpatinag. Sama-sama nating hinarap at pinagsikapan ang mga hamon ng remote teaching and learning setup. Baon ang mga karanasan bago, habang, at matapos ang pandemya, atin pang lalong pinaghuhusay ang ating mga estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto at patuloy pa rin tayo sa ating pagkilos at pagsusulong ng makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon!
Mula sa UP Integrated School, Kolehiyo ng Edukasyon, at National Institute for Science and Mathematics Education Development, Maligayang Pasko po sa ating lahat!
UP NISMED’s Art Section and Maintenance and Equipment Development Section joined the UP College of Education, and UP Integrated School as the lead unit in the conceptualization and construction of the tri-unit lantern.
NISMED Staff during the parade. |
0 Comments